𝗦𝗨𝗩 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢

Sumalpok ang SUV na minamaneho ni Rufino Caballero mula Brgy. Tempra Guilig, San Fabian sa isang tricycle na bigla na lamang umanong pumasok sa linya ng kotse sa national road ng Brgy. Capaoay, San Jacinto.

Ayon sa imbestigasyon, habang nagpapatakbo ang SUV ay bigla na lamang umanong tumawid at pumasok sa linya nito ang tricycle na noon ay nasa parking ng TODA sa bayan.

Kabutihang palad ay hindi nagtamo ng sugat ang parehong driver samantalang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments