Epektibo na, simula ngayong lunes ang taas singil sa pamasahe ng mga Modernized Jeepneys sa bayan ng Asingan.
Ayon sa Asingan Jeepney Operators Transport Cooperative, ang pamasahe mula sa dating ₱25 ay magiging ₱30 na, diumano ito.
Ang naturang anunsyo ay ipinabatid sa facebook page ng ASINGAN PIO, kung saan, ayon sa kooperatiba, ang taas pasaheng kanilang ipatutupad ay upang maibsan kahit papaano ang epekto ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa merkado.
Samantala, patuloy pa rin ang pagsulong ng iba’t ibang transport groups at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga modernized jeepneys sa buong Pilipinas. Matatandaan na inextend ng LTFRB ang pagpapalawig ng PUV Consolidation hanggang sa huling araw ng Abril ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨