𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔

Posibleng magkaroon ng taas sahod ang mga manggagawang nasa pribadong sektor sa Ilocos Region base sa isinagawang public hearing ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).

Mula sa P435 minimum wage para sa non-agricultural sector na ipinatupad noong nakaraang taon, pinag-aaralan pa ng ahensya kung posible pa itong maitaas.

Sa pahayag ni DOLE Regional Director Exequiel Ronie Guzman, kinakailangan pang malaman ng ahensya ang kakayahan ng employer upang ito ay matugunan ang panawagan ng mga manggagawang Pilipino bago ito maipatupad.

Sa ngayon, ano man ang maging resulta ng public hearing ay kinakailangan pa itong aprubahan ng National Wages and Productivity Commission bago maging epektibo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments