π—§π—”π— π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗛𝗒𝗗 π—‘π—š π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π—›π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—¬π—¦, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—š π—‘π—š π——π—’π—Ÿπ—˜

Cauayan City β€” Inilabas ng DOLE ang Labor Advisory No. 17, Series of 2025, na nagtatakda ng sahod para sa mga espesyal at regular na holidays.
Itinuturing na special non-working days ang 8 December o Feast of the Immaculate Conception, 24 December o Christmas Eve, at 31 December New Year’s Eve.
Para sa mga magtatrabaho sa mga araw na ito, dapat bayaran ang empleyado ng dagdag na 30% sa basic wage, at karagdagang 30% para sa oras na lampas sa walong oras.
Samantala, ang 25 December o Christmas Day at 30 December, Rizal Day, ay regular holidays, kung saan ang nagtatrabahong empleyado ay makakatanggap ng 200% ng sahod sa unang walong oras at dagdag na 30% sa sobrang oras.
Nilinaw ng DOLE na ang layunin ng advisory ay matiyak ang tamang sahod at benepisyo ng mga manggagawa ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.
Source: DOLE
Facebook Comments