Friday, January 16, 2026

𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗗𝗘, 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Tatlong dating rebelde ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa pinagsanib na puwersa ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army at ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga sumuko ang isang dating Squad Leader ng Milisya ng Bayan (MB) at isang miyembro ng West Front Committee, Komprob Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Kusang-loob din nilang isinuko ang iba’t ibang uri ng armas at pampasabog, kabilang ang tatlong home made 12-gauge shotgun, dalawang improvised 12-gauge pistol, at tatlong bala ng 40mm High Explosive.

Ipinakita ng mga dating rebelde ang kanilang panibagong tiwala at kumpiyansa sa 17IB, na kinilala naman ng yunit bilang patunay ng taos-pusong adbokasiya ng hukbo sa usaping pangkapayapaan, seguridad, at kaunlarang pangkomunidad.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pangkabuhayan, bukas na komunikasyon, at mapayapang pamamaraan, nabibigyang-daan ang muling pagbabalik ng mga dating rebelde sa lipunan.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments