Monday, February 16, 2026

𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗔𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Arestado ang tatlong katao habang isang suspek ang nakatakas matapos maaktuhang nagsusugal sa Brgy. District 1, Cauayan City, kagabi, February 15, 2026.

Kinilala ang mga suspek bilang alyas “Dan”, 70 anyos; “Louie” 52 anyos, “Maria” 38 anyos, pawang residente ng Brgy. District 1 habang
patuloy pang pinaghahanap ang isa pang suspek na kinilalang si alyas “JonJon”.

Ayon sa imbestigasyon, nadatnan ng mga operatiba ang mga suspek na aktuwal na naglalaro ng Pepito na agad nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa pinangyarihan ang isang mesa, tatlong silya, isang set ng baraha, at halagang ₱685 na pinaniniwalaang pusta sa sugal.

Ipinaalam umano sa mga suspek ang dahilan ng kanilang pagkakaaresto at binasahan ng kanilang karapatan sa ilalim ng Miranda Rights.

Dinala sila, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling Law.

PHOTO FOR ILLUSTRATIONS ONLY

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments