𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗩’𝗧 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

LA UNION – Arestado sa bisa ng search warrant ang isang kawani ng government run hospital sa La Union matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay isang 55 anyos. Nahuli sa pamamahay nito ang drug paraphernalias at isang sobre na naglalaman ng tatlong pakete ng shabu na tinatayang nasa P6, 800 ang halaga.

Nauna rito, magkasunod na naaresto ng awtoridad sa parehas na compound sa Brgy. Camiling, Balaoan, La Union ang dalawa pang drug personality na kamag-anak ng naunang suspek.

Nasamsam sa mga bahay ng suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P 100k at bala ng caliber 45.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments