Monday, February 16, 2026

‎𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧𝗧𝗘𝗥𝗬 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗬


‎Cauayan City – Pinagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isabela at ng pamahalaang bayan ng Santa Maria, Isabela ang pagpapalakas ng kasanayan at kabuhayan ng lokal na pottery community.

‎Ayon kay TESDA Provincial Director Vilma Cabrera, kinilala ang pottery bilang prayoridad na kasanayan dahil sa potensyal nito sa paglikha ng trabaho at pagpapasigla ng ekonomiya sa Santa Maria.

‎Kasama sa plano ang pagbuo ng Competency Standards upang masiguro ang kalidad at pagsunod sa pamantayan ng industriya.

‎Binanggit ni Cabrera na mahalaga ang malapit na koordinasyon sa LGU upang maihatid ang epektibo at komunidad-based na pagsasanay, habang handa ang TESDA na magbigay ng teknikal na tulong sa pag-develop ng kakayahan ng mga artisan.

‎Suportado naman ni Mayor Michael Abraham G. Pagauitan ang pagtatayo ng LGU-run Training and Assessment Center na magiging sentro ng pagsasanay, assessment, at certification para sa mga local artisans.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments