Lubos na naniniwala ang Pamahalaang Panlalawigan na sa masusing pagpaplano ay maaaring magkaroon ng magandang development ang Capitol Complex sa pamamagitan ng reflecting pool at ilan pang recreational parks.
Ayon sa naging pahayag ni Pangasinan Governor Ramon Guico III, ang itinatayong reflecting pool mula sa Capitol grounds hanggang sa dagat ay una at maaaring pinakamahaba sa buong Pilipinas.
Sa pamamagitan nito, mas magiging tourist-friendly ang Pangasinan at lalong dadagsain dahil sa pinaplanong pagpapatayo ng Bolinao Airport.
Ibinahagi sa State of the Province Address ang 51.78% na pagtaas ng tourist arrivals sa Pangasinan noong 2023 sa bilang na 9,065,577. Mas mataas kumpara sa tourist arrivals noong 2022 na nasa 5,972,629 indibidwal.
Bukod sa pamosong Minor Basilica of Our Lady Of Manaoag na higit anim na milyon ang naitalang tourist arrivals, nabibilang din ang Provincial Capitol sa dinarayong atraksyon sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨