𝗧𝗢𝗬 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗬 𝗙𝗔𝗜𝗥

Nagsama-sama ang mga toy collectors sa lalawigan ng Pangasinan sa nagpapatuloy na toy Fair sa Isang mall sa lungsod ng Dagupan.

Tampok ang iba’t-ibang klase ng laruan na hindi lamang para sa mga bata maging sa mga toy collectors.

Highlight sa naturang toy Fair ang beyblade tournament,Gundam caravan, coloring activity, painting activities, cosplay at Target shooting.

Ang mga bumibisita sa toy Fair nawawala raw ang stress.

Ilang magulang rin ang nakita itong oportunidad upang mag time out ang kanilang mga anak sa gadgets.

Ayon naman Kay Raiza Ymasa na pitong taon ng toy collector, marami pa ring nahihilig sa pangongolekta ng laruan.

Magtatagal ang naturang toy Fair hanggang sa October 20. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments