Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang Traffic Ordinance sa bayan ng Manaoag bilang bahagi ng pinaigting na batas trapiko.
Wala umano kasing umiiral na batas trapiko matagal na panahon na kung kaya’t sa tulong ng naturang ordinansa ay makokontrol ang daloy ng trapiko lalo tuwing may mga turistang dumadayo sa bayan.
Nakapaloob sa naturang ordinansa ang mga tamang panuntunan sa pamamahala sa trapiko.
Matapos naman konsultasyon sa Traffic Operations Office, nagkaroon ng malinaw na klasipikasyon ng mga sasakyan, one-way routes, loading at unloading areas, parking areas, prohibited parking area, road safety measures at mga karampatang parusa sa kung sino man ang lalabag sa ordinansa. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments