Nagdulot ng mas mabigat na daloy ng trapiko ang ipinatupad na traffic rerouting sa lungsod ng Dagupan ngayong araw.
Sa bahagi AB Fernandez East usad pagong ang mga sasakyan dahil sa malaking bulto ng pampubliko at pribadong sasakyan na dumadaan dito.
Ilang estudyante rin ang nalate sa kanilang mga klase dahil sa traffic kahit pa umano ay maagang umalis ang mga ito sa kanilang tahanan.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ipinatupad ang traffic rerouting kung saan ang mga sasakyang mula Calasiao papuntang Dagupan City ay dadaan lamang sa Parongking – Tebeng – Caranglaan. Ang mga sasakyan namang mula sa Sta. Barbara papunta Dagupan ay dadaan sa De Venecia – Tapuac Road habang ang mga manggagaling naman sa Dagupan City papuntang Calasiao o Sta. Barbara ay pinapayuhang dumaan sa Mayombo – Caranglaan Road.
Panawagan ng awtoridad ang pag-unawa upang tuluyang matapos na ang mga road projects sa lungsod na inaasahang maiibsan ang problema sa pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨