𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗥𝗢𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Ipatutupad ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan sa araw ng Undas ang traffic rerouting scheme sa Dagupan City para sa maayos na daloy ng trapiko sa lungsod.

Ayon kay POSO Chief Officer Arvin Decano,aagapay ang kawani ng ahensya sa mga lugar na dinadagsa upang maiwasan ang anomang aberys ng mga dadalaw sa mga sementeryo sa Pangasinan.

Pangunahing babantayan ng POSO ang bahagi kung saan papunta sa Roman Catholic Cemetery sapagkat inaasahan ang dagsa ng mga bibisita.

Mahigpit din ang paalala ng tanggapan na sumunod sa naturang route plan na dalawang linggo bago ang Undas ay naipost na umano sa kanilang Facebook page at mainam na bumisita sa mga oras na humupa na ang high tide upang hindi maabala sa perwisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments