Hinihimok ngayon ng mga kasundaluhan sa Camp Tito Abat o 702nd Infantry Brigade Battalion sa bayan ng Manaoag ang publiko na makilahok sa ilulunsad na training-for work program.
Base sa anunsyo, gaganapin ang panibagong serye ng programang ito sa darating na ika-16 ng Pebrero ngayong taon sa Camp Tito Abat sa nasabing bayan.
Ilan lamang sa maaaring kunin ng mga makikilahok sa aktibidad ang Masonry, Scaffolding/ Carpentry, Sewing kung saan sasailalim ang mga ito sa labin-limang araw na pagsasanay.
Sakaling matapos sa pagsasanay ang sinumang lalahok sa programang ito ay maaaring pumasok sa iba’t ibang kumpanya gaya ng DATEM, INC for Deployment sa mga LRT, MRT, Railways at mga high-rise projects.
Ang programang ito ng kasundaluhan ay nakapailalim sa Peace and Community Empowerment (PACE) upang makapagbigay ng tulong sa mga publiko upang magamit ang mga bagong skills na ito sa kanilang paghahanap ng trabaho.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Camp Tito Abat o 702nd Infantry Brigade Battalion sa bayan ng Manaoag, magtungo sa mga PESO Offices ng bawat bayan o tumawag sa numerong 0945-8002113. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨