Dumalo ang transport sector at stakeholders sa bayan ng Lingayen sa isang pagpupulong matapos maaprunahan ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng bayan.
Isa-isa umanong naglabas ng hinaing at suhestyon ang mga ito bago ipatupad ang route plan sa bayan na aprobado ng LTFRB ngayong 2024.
Isa sa suhestyon ng mga driver ang paghihigpit pa sa mga colorum na pumupuslit tuwing gabi at nagtatakda ng mataas na singil.
Natalakay din ang pagbabago sa designated drop off ar pick up points sa mga PUV na mula sa Western at Southern Pangasinan upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko sa pangunahing lansangan ng Lingayen.
Binigyang diin ni Lingayen Chairman of Committee on Public, Safety, Peace, Order and Transportation Councilor Rod Morosi na ang mga pagbabagong nakasaad sa LPTRP ay para sa kaayusan ng bayan.
Ang LPTRP ay ang komprehensibong plano sa public transportation ng isang bayan upang makasabay sa modernization program ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨