𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗨𝗣𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗜𝗦𝗧𝗢𝗡

Hindi sumama ang transport group sa Pangasinan sa ikinasang dalawang linggong tigil pasada ng grupong piston at manibela.
Sa naging panayam ng IFM dagupan Kay Autopro Pangasinan President, Bernard Tuliao wala ngaNG transport sector sa lalawigan ang nakikiisa sa sinasabing tigil-pasada ngayong Lunes.
Samantala, halos isang Daang porsiyento na Aniya ng mga transport sector sa Pangasinan ay kasama na sa PUV Consolidation kung saan ay maliit na porsiyento na lang nila ang hindi pa kasali dito.

Nasa higit dalawandaang mga individual jeepney operators at drivers pa aniya ang hindi pa umano umaanib sa kahit ano mang kooperatiba o korporasyon at sinisikap na hikayatin ng ilang transport group na makianib na.
Ganunpaman, sinabi ni Tuliao na sang-ayon sila sa panawagan ng Manibela na extension sa PUV Consolidation kahit Isang Taon lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments