Patay ang isang trese anyos na dalagita matapos itong malunod sa San Fabian beach.
Ang biktima, na tubong Mangaldan Pangasinan ay nagtungo sa bahagi ng Barangay Nibaliw Bidal, kasama ang ilang mga kaanak at Kaibigan.
Kwento ng nanay nito pasado alas tres ng hapon sa kasagsagan ng pagligo ng biktima nang ito ay biglang tangayin ng malakas na alon mula sa dagat dahilan upang malunod ito.
Natagpuan naman agad ang Katawan ng biktima na agad naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments