
Cauayan City – Isang Street Level Individual (SLI) Ang naaresto ng kapulisan ng Cauayan City sa isinagawang Buy-Bust Operation SA Dacanay Street, Brgy. Cabaruan.
Kinilala ang suspek bilang si Alyas “Narsing”, isang tricycle driver, at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ng PNP Cauayan, nadakip ang suspek matapos nitong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P1,020; isang cellphone; at Buy-bust money na nagkakahalaga ng P1,000.
Ang suspek ay dinala sa himpilan ng Pulisya para sa ddokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag
sa RA N9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.
Facebook Comments









