𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝟭𝟮𝟵𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Dinakip ng awtoridad ang 42 anyos na tricycle driver sa kanyang bahay sa San Nicolas, Pangasinan matapos makuhanan ng higit 129,000 na shabu sa isinagawang search and warrant operation ng awtoridad.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si alyas Jay-R, residente ng Barangay Road Poblacion San Nicolas.

Sa ulat ng PNP, dakong 5:00 ng umaga nang isagawa ang Search and Warrant operation ng PNP Pangasinan at PDEA Region 1 laban sa suspek.

Nakuha sa suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 19 grams at nagkakahalaga ng 129,200 piso, toother na may residue ng shabu, caliber 22 revolver at iba pang drug paraphernalia.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Nicolas PNP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments