𝗧𝗥𝗜𝗣𝗟𝗘𝗧𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Tatlong malulusog na babaeng sanggol ang isinilang sa Condrado F. Estrella Regional Medical Center and Trauma Center (CFERMTC) sa Rosales, Pangasinan noong November 7.

 

Maituturing na isang biyaya sa mag-asawang Emil at Regina na residente ng San Quintin na mailabas sa pamamagitan ng cesarean section delivery ang tatlong sanggol.

 

Ipinanganak ang unang sanggol sa ganap ng 12:44 na sinundan ng pangalawa at pangatlo 12:47 at 12:48 ng tanghali.

 

Pinangalanan ng mag-asawa ang mga ito na si Ellaine, Elise at Eliana.

 

Sila ang kauna-unahang well triplets na ipinanganak sa naturang hospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments