
βCauayan City – Namahagi ng tulong para sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino katuwang ang Department of Agriculture (DA) Region 2.
β
βKabilang sa kanilang mga ipinamahagi ay ang wettable powder at liquid fertilizers para sa mga palayang naapektuhan ng bagyo.
β
βKasama rin dito ang 19 composting facilities at mga free-range chickens sa ilalim ng Backyard Egg Multiplier Project.
β
βAyon sa pamahalaan, ang mga proyekto ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsusumikap na palakasin ang resiliency ng agrikultura at tiyakin ang seguridad sa pagkain sa lalawigan.
β
βPinagtitibay din ng inisyatibang ito ang suporta sa kabuhayan ng mga magsasaka, na naglalayong magkaroon ng mas matibay at sustainable na sistema ng agrikultura sa buong lalawigan.
β
βMaliban dito, nakakatulong din ito sa pagbibigay ng alternatibong kabuhayan sa mga marginalized na pamilya at lokal na kooperatiba.
β
βSource: Quirino Province
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan









