𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗜𝗬𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗙𝗥𝗢𝗡𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜

Matagumpay na ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang tulong pinansiyal sa mga barangay frontliners sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan, noong ika-17 ng Disyembre.
Pinangunahan ng mga kawani ng lalawigan ang naturang pamamahagi, sa ginanap na Christmas Fellowship Program sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng barangay frontliners mula sa mga bayan ng Villasis, Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Bayambang, Malasiqui, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, Sison, at Urdaneta.

Ang 4,414 na mga Barangay Health Worker mula sa iba’t-ibang bayan, partikular ang mga Barangay Nutrition Scholar, Barangay Service Point Officer, at Child Development Worker ay nakatanggap ng tig-dalawang libo bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments