Maaaring makakuha ng financial assistance mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente sa Ilocos region na nasira ang kabahayan dahil sa naranasang sakuna o kalamidad.
Ayon kay DHSUD public housing and settlements division chief Claudine Valdez, 10,000 pesos ang maaaring maibigay na assistance para sa mga may-ari ng isang partially damaged na bahay habang nasa 30,000 pesos naman para sa mga may totally damaged na bahay.
Ang mga maaring benepisyaryo ay ang mga naapektuhan ng ng bagyo, lindol, volcanic eruptions, baha at landslides habang maaari rin kung ang dahilan ng pagkasira ng bahay ay mula sa sunog, pagsabog, industrial accidents at armed conflict.
Para naman sa requirement sa pag-aapply ng naturang assistance, babase ang tanggapan sa report ng local government unit, masterlist of beneficiaries, eligibility sheet o certification mula sa LGU na nagsasaad na kwalipikado ang aplikante at hindi pa nakakatanggap ng anumang shelter assistance mula sa mga government agencies.
Kailangan rin ng lokasyon at litrato ng bahay na nasira dahil sa sakuna at sulat mula sa alkalde ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨