๐—ง๐—ช๐—ข-๐—ช๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐— ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ข ๐—ฆ๐—ง. ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐——

Matapos ang mahigit dalawang buwang pagpapatupad ng one-way traffic scheme sa bahagi ng Arellano St. sa Dagupan City, bubuksan na muli ang isa pa nitong kalsada mga motorista.
Inanunsyo ng alkalde ng Dagupan City na simula ika-15 ng Disyembre bubuksan o ipatutupad na sa mga motorista ang isa pang bahagi ng kalsada kung saan magiging two-way traffic na o ibabalik na sa dalawang daan.
Ito ay matapos masemento ang isinarang bahagi ng kalsada para sa pagsasaayos nito kung saan matatandaang ipinatupad ang one-way traffic scheme noong ika-8 ng Oktubre.

Matatandaan din na hiniling ng DPWH sa LGU Dagupan na gawin munang one-way upang bigyang daan ang pagsasaayos ng kalsada para solusyunan ang problemang baha sa lungsod. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ
Facebook Comments