𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗠𝗣𝗢𝗫 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡

Pinabulaanan ng Municipal Health Office ng Sta. Lucia sa lalawigan ng Ilocos Sur ang kumakalat na balitang mayroon nang naitalang kaso ng MPox sa lugar.

Mariing kinondena ng pamunuan ang pinagmulan ng naturang health misinformation na siyang maaring magdulot ng takot at pangamba hindi lamang sa mga residente ng lalawigan, maging sa buong Ilocos Region.

Ayon sa lumabas na impormasyon ukol dito, inaatasan lahat ng mga mag-aaral sa Sabuanan, Sta. Lucia na magsuot ng face mask dahil mayroon na umanong kaso ng MPox.

Binigyang diin ng MHO Sta. Lucia ang paglilinaw na walang anomang kaso ng sakit ang naitatala sa bayan.

Samantala, inihayag din ng Department of Health Ilocos Region na as of Sept 23, 2024 ay walang naitalang MPox case sa buong Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments