Natapos nang sumabak ang unang batch ng public market vendors sa bayan ng Mangaldan bilang napiling benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program.
Binubuo ng nasa higit 300 indibidwal ang naitalang benepisyaryo sa unang batch na sumailalim sa 10 days community work mula noong June 1 hanggang June 10.
Patuloy na isinagawa ang monitoring sa mga benepisyaryo ng mga TUPAD Coordinators kaagapay ang Mangaldan Public Employment Services Office at Community Affairs Office sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Market Supervisor.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo na tumanggap ng kabuuang P4,350 para sa sampung araw na community service.
Binigyang-diin ng programa ang hangarin nito na makapag-abot ng tulong sa mga MSMEs at mga indibidwal sa pamamagitan ng cash-for-work assistance.
|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨