π—©π—”π—Ÿπ—œπ——π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—¦π—šπ—Ÿπ—š 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—”π—‘π—”π—’π—”π—š, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔

Isinagawa kamakailan ang validation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Regional Assessment Team nito sa lokal na pamahalaan ng Manaoag.

Sa isinagawang balidasyon, isinaad ni LGOO VII/Cluster Leader Hermogenes L. Soriano Jr. na β€˜potential passer’ umano ang bayan para sa SGLG na pinagsisikapan umano nitong makamtan.

Samantala, ibig sabihin ng naturang pahayag na sila ay passado at handa para sa national level ng validation ng SGLG, na nakatakdang isagawa sa buwan ng Setyembre.

Ilan na lamang sa sinuri ng validation team ang Material Recovery Facility (MRF) at Regional Evacuation Center, pati rin ang flood-prone areas sa isang barangay sa bayan, gayundin ang Rural Health Unit, Tourism at ang Presidencia rito.

Samantala, lubos at mabusisi ang naging paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng alkalde ng bayan para makamtan ang nasabing selyo. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments