Nadismaya ang ilang pauwing biyahero na dadaan sana sa Pangasinan-Nueva Vizcaya Highway o Villa Verde Road sa San Nicolas, Pangasinan matapos ang road closure dulot ng landslide sa bisperas ng Undas.
Ang ilan sa mga ito, umasa na agarang maisaayos ang tipak ng lupa na dumausdos sa kalsada.
Samantala, nararanasan na sa ilang bahagi ng Pangasinan ang mabigat na daloy ng trapiko dahil sa pagdagsa ng mga nagsi-uwi ngayong Undas.
Kaugnay nito,sa abisong inilabas ng San Nicolas MDRRMO, maari umanong dumaan ang Umingan-Lupao, Nueva Ecija Road ang mga biyahero bilang pansamantalang solusyon habang isinasaayos ang sitwasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments