Nanawagan ang COMELEC Pangasinan sa mga Pangasinenseng hindi pa nakakapagparehistro na sulitin na ang natitirang higit tatlumpung araw ng voters registration para sa May 2025 Midterm elections.
Sa panayam kay COMELEC Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, hindi na palalawigin pa ang registration na hanggang September 30, 2024 na lamang ito.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 123, 000 ang naitalang bagong botante sa lalawigan ng Pangasinan, na lagpas sa unang target nito na 75, 000.
Samantala, nagpapatuloy ngayon ang pag-arangkada ng voters registration at Education fair sa mga malls, barangay at eskwelahan sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments