𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢

Bubuksan nang muli ng COMELEC ang voter’s registration para sa mga Pilipinong hindi pa nakakapag-parehistro.

Sa anunsyo ng komisyon, magbubukas o magsisimula ang registration sa February 12, 2024 hanggang September 30, 2024.

Ang muling pagbubukas ng komisyon sa registration ay bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections.

Maaaring magtungo ang mga indibidwal na hindi pa nakakapagparehistro sa iba’t ibang tanggapan ng COMELEC sa bawat bayan.

Bukas ang mga tanggapang ito mula alas 8 hanggang alas 5 ng hapon.

Paalala ng komisyon na dalhin ang mga requirements para makapagparehistro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments