Nakitaan ng paglabag sa Social Security System (SSS) regulations ang walong employers sa probinsya ng La Union sa isinagawang Run After Contribution Evaders o RACE Campaign.
Isinagawa ang paghahabol sa mga delinquent employers sa bayan ng Balaoan, Bacnotan at Bangar.
Lumalabas na nasa 37 Empleyado ang apektado dahil sa paglabag ng kanilang mga employers sa non-remittance, non-production at non-registration na may kaukulang penalty na umabot ng P229, 788.44.
Batay sa regulasyon ng SSS, maari pang bigyan ng palugit ang isang establisyimento na makapagbayad ng delinquency bago mabigyan ng notice o demand letter.
Patuloy na isinasagawa ng tanggapan ang kampanya upang mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa na mabigyan ng kaukulang benepisyo mula sa SSS. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments