𝗪𝗔𝗦𝗧𝗘 𝗦𝗘𝗚𝗥𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗘𝗕𝗨, 𝗚𝗨𝗠𝗨𝗛𝗢; 𝟰 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟯𝟱 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔

Cauayan City – Kuha sa video ang pagguho ng isang Waste Segregation Facility sa isang pribadong landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City nitong Huwebes, Enero 8, 2026.
Nangyari ang naturang landslide bandang alas 4:17 ng hapon noong Huwebes.
Ayon sa mga awtoridad, 4 ang naitalang patay at 35 na katao pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos ang nangyaring insidente.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operation ng mga awtoridad matapos makumpirma ng mga rescue team na may mga buhay pang biktima sa ilalim ng gumuhong basura.
Video Courtesy: Ferl-John Carabio Pacaldo
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments