𝗪𝗛𝗢𝗟𝗘𝗦𝗔𝗟𝗘𝗥 𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧

Nakatakdang ipatayo ang isang wholesaler stalls sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City para sa mga fish vendors roon na nahihirapang magbenta ng kanilang mga produktong isda dahil sa kanilang mga pwesto.

Magsisilbing bagong mga pwesto ng mga fish vendors ang itatayong mga stalls para mabigyan ang mga ito ng mas maayos at malinis na mapagbebentahan ng kanilang mga isda lalo at kailangang lagi itong sariwa.

Una na ring ipinaliwanag ng alkalde ng lungsod na hindi maaaring irenta ang mga naturang stalls sa ibang mga negosyanteng taga-ibang lugar dahil nakalaan lamang ito sa mga vendors na residente lamang ng lungsod.

Ngayong linggo, tuluyan nang nilinisan ang malaking bahagi ng naturang fish market kung saan tinanggal ang mga kagamitan sa terminal ng island barangay motorboats para ma-umpisahan na ang naturang proyekto at kanina, January 12, 2024, isinagawa naman ang Groundbreaking ceremony para rito kasama ang LGU Dagupan, City Engineering office, at ilang mga fish vendors ng Magsaysay Market.

Nagbigay rin ng paalala ang alkalde ng lungsod ukol sa pagbibigay ng kahalagahan sana sa malinis at maayos na pagbebenta ng mga vendors lalo na at isa ang lungsod sa mga kilalang nagbebenta ng mga sariwang isda tulad ng bangus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments