Namahagi ang Department of Agriculture Region 1 ng nasa halos tatlumpong milyong pisong halaga ng tulong pang-agrikultura sa mga magsasaka sa Ilocos Region.
Ilan sa mga ito ay ang hybrid palay seeds kasama ang rice harvester sa ilalim ng Rice Banner Program.
Natanggap din ng mga benepisyaryo ang ilang kagamitang pansaka tulad ng hammer mill, four wheel drive tractor, recirculating dryer at corn combine harvester sa ilalim naman ng Corn Banner Program ng ahensya.
Ilan pang mga interbensyon ng DA ang mapapakinabangan ng mga magsasaka sa ilalim pa ng High Value Crops Development Program at National Urban and Peri-Urban Agriculture Program at Special Area for Agricultural Development Program.
Patuloy ang isinasagawang hakbang ng tanggapan ng DA upang matulungan ang mga magsasaka sa Ilocos Region nang matugunan ang krisis na kinakaharap sa sektor ng agrikultura.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨