π—₯π—œπ——π—˜π—₯ 𝗑𝗔 π—Ÿπ—’π—Ÿπ—’, π—§π—¨π— π—œπ—Ÿπ—”π—£π—’π—‘ 𝗦𝗔 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—¦π—œπ—žπ—Ÿπ—’ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—•π—”π—‘π—šπ—šπ—” π—‘π—š π—£π—œπ—–π—ž-𝗨𝗣

Tumilapon ang isang lalaki na 84 anyos matapos siyang mabangga ng isang pick-up truck sa Brgy. Alos, Alaminos City, Pangasinan. Sa imbestigasyon ng pulisya, nag overtake ang driver pick-up truck sa motorsiklong sinasakyan ng lolo.

Hindi umano nakontrol ng driver ng pick-up truck ang kaniyang pagmamaneho kung kaya’t nabangga niya ang biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang biktima sa minamaneho nitong motorsiklo. Itinakbo pa sa Western District Hospital ang lolo ngunit idineklarang dead on arrival.

Negatibo sa alcoholic breath test ang driver ng pick-up at inihahanda na kaukulang kaso laban dito. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments