𝟏𝟕 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐎, 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐃𝐒𝐋𝐈𝐃𝐄 𝐒𝐀 𝐔𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀

CAUAYAN CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng hindi bababa sa 17 katao na natabunan ng gumuhong lupa sa Kampala, Uganda.

Nangyari ito sa mahigit 14 ektarya ng Kiteezei landfill kung saan hindi kinaya ng lupa ang tuluy-tuloy na mga pag-ulan sanhi ng pagkakaroon ng landslide.

Maraming kabahayan ang natabunan ng lupa at tone toneladang basura na nagdulot ng pagkasawi ng mga biktima.


Kaugnay nito, ayon sa ulat, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue ng mga awtoridad para sa iba pang residente na natabunan ng lupa at mga basura.

Facebook Comments