𝟭𝟬-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗪𝗜𝗗, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗣𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗧𝗦𝗘

Sugatan ang 10 anyos na Grade 3 student matapos nadaplisan ng umaandar na kotse sa Brgy. Poblacion, Malasiqui.

Ayon sa imbestigasyon, naglalaro umano ang bata sa gilid ng kalye kasama ang kalaro nito nang bigla umano silang maghabulan. Tumakbo ang bata sa kalsada at hindi napansin ang dumadaan na kotse.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at agad naitakbo sa pagamutan samantala sumuko naman ang driver ng sedan na nakadaplis sa biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments