𝟭𝟬 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Muling ipinaalala ngayon ng health authorities ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa minimum public health standards ngayong holiday season.

Ito ay matapos magkaroon ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 mula noong December 12- 18 na pumalo sa 50% o katumbas ng higit 2, 725 na kaso kumpara noong December 5-11 ayon sa DOH.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa na dahil, aniya sa bahagyang pagtaas ng kaso ay nangangamba ang ilan ngunit pinawi naman ng opisyal ang kanilang pangamba dahil maaari naman itong maiwasan sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa minimum public health standards.

Sa lalawigan ng Pangasinan, nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office ng sampung aktibong kaso ng COVID-19 kung saan sila ngayon ay patuloy na naka-isolate.

Sa kabila ng pagkakatala sa mga kasong ito, hinimok ni PHO Officer 1 Dr. Cielo Almoite ang pagsusuot ng face mask sa mga pupuntahang lugar ngayong holiday season para makaiwas na makakuha ng virus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments