𝟭,𝟬𝟴𝟳 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟱-𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗦𝗛-𝗙𝗢𝗥-𝗪𝗢𝗥𝗞

CAUAYAN CITY – Natapos na ng 1,087 partner-beneficiaries sa lungsod ng Ilagan ang 15-day cash-for-work (CFW) activities bilang parte ng Project LAWA at BINHI sa ilalim ng Risk Resiliency Program.

Ang programang CFW ay mayroong dalawang bahagi kung saan ang unang bahagi ay ang pagbuo ng mga malilit na farm reservoirs, habang sa ikalawang bahagi naman ay ang communal gardening.

Click here for more updates: https://fb.watch/snOSzEBbIQ/


Sa loob ng 15 days ay lalahok ang mga benepisyaryo sa mga aktibidad na makatutulong upang madagdagan ang suplay ng tubig at pagkain sa kanilang lugar.

Nagbigay ang Ilagan City Local Government Unit ng seedlings at ibang pangangailangan habang minomonitor ang implementasyon ng nasabing proyekto.

Itinalaga sa tatlong lugar ang nasabing Project LAWA at BINHI, katulad ng Brgy. Rang-ayan, Cabisera 10, and Cabisera 17-21.

Facebook Comments