
Cauayan City – Nakapaghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mata sa 113 Isabelino ang Sagip Mata, Sagip Buhay Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City.
Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa mga bayan ng Quirino, Quezon, Benito Soliven, San Isidro, at San Manuel, gayundin sa Lungsod ng Ilagan.
Ang programa ay pinangunahan ng administrasyon ni Gobernador Rodito T. Albano bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maihatid ang abot-kayang serbisyong medikal sa mga mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang atensyong pangkalusugan sa mata.
Layunin ng programa na maagapan ang mga karamdaman sa mata at mapabuti ang kalusugan at kabuhayan ng mga Isabelino.
Samantala, patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na makilahok sa mga programang pangkalusugan upang mapanatili ang maayos na kalagayan ng kalusugan at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga Isabelino.
Source: ISABELA PIO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










