𝟭𝟭𝟳 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗚𝗜𝗙𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng Longevity Cash Gift ang mga lolo at lola sa Lungsod ng Santiago.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago kung saan isang daan at labing pitong senior citizens ang tumanggap ng cash gift bilang bahagi ng ika-9 na batch ngayong taon.

Ang naturang programa ay nakalaan para sa mga may edad pitompu’t lima pataas at sampung (10) taon o mahigit na nakatira sa Lungsod ng Santiago.


Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Santiago ang mga may katanungan hinggil sa pag-proseso ng aplikasyon at mga kailangang dokumento na magtungo lamang sa Office of the Senior Citizen Affairs.

Facebook Comments