
โCauayan City – Nagsimula na ang paglalagay ng 120 solar street lights sa kahabaan ng National Highway sa bayan ng Quezon bilang bahagi ng programa para sa mas maliwanag at ligtas na mga kalsada.
Bilang paghahanda, isinagawa kamakailan ang pagsusukat at pagpili ng angkop na sukat ng mga solar light upang matiyak na akma ang mga ito sa kasalukuyang mga poste ng ilaw at magiging maayos ang instalasyon.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ipinapakita ng proyekto ang patuloy na adbokasiya sa makakalikasan at sustainable na mga solusyon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Daryl G. Gascon, sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy para sa pangmatagalang benepisyo ng komunidad.
Sa patuloy na paglalagay ng mga ilaw, inaasahang magiging mas ligtas, maayos, at handa sa hinaharap ang bayan ng Quezon, Isabela, bilang bahagi ng hangaring maghatid ng maayos na serbisyo at kaunlaran para sa lahat.
โ
โSource: LGU QUEZON, ISABELA
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ
โ#idol
โ#numberone
Facebook Comments









