Nakahanda na ang Police Regional office 1 sa maaring epekto ng bagyong Marce sa Ilocos Region.
Inalerto ng PRO1 ang Disaster Incident Management Task Group (DIMTG) nito upang masiguro ang maayos na koordinasyon sa anomang emergency.
Mayroon ding 124 na kawani nito mula sa Regional Reactionary Standby Support Force ang nakahandang idedeploy sa mga naapektuhang lugar.
Nagsagawa na rin ito ng inspeksyon sa kahandaan ng mga personnel, kagamitan at response protocols.
Maliban dito, patuloy ang pre-emptive assessment at evacuation sa mga natukoy na hazard prone areas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments