𝟭𝟮𝟲𝗞 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗠𝗜𝗡𝗨𝗟𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Umabot na sa 126, 400 na mga Pangasinense ang minultahan ng kapulisan sa Pangasinan matapos lumabag sa mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest.

Ayon sa datos ng Pangasinan PNP, 14, 207 rito ang nabigyan ng warning.

Matatandaan na naipatupad ang Provincial Ordinance 325-2024 noong Hulyo.

Sa ilalim ng ordinansa kinakailangang magsuot ng reflectorized vest ang rider at angkas nito mula 6PM-6AM.

Ang implementasyon ng ordinansa ay layuning mapababa ang bilang ng mga naaksidenteng motorista kada taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments