𝟭𝟯𝟱 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗔𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nasa isang daang at tatlumput limang aspiring accountans sa Ilocos Region ang sasailalim sa Certified Public Accountants (CPA) Licensure Examination.

Sa abiso ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office 1, gaganapin ang naturang eksaminasyon sa darating na October 25, 26 at 27 ngayon taon sa Carmay Elementary School, Brgy. Carmay East, Rosales Pangasinan.

Pinaalalahanan ang mga examinees na dalhin ang Notice of Admission (NOA), isang piraso ng window mailing envelope, No. 2 pencil, black ink ballpen, long brown envelope at long transparent plastic envelope.

Hinikayat ang mga examinees bisitahin ang website ng PRC para sa iba pang impormasyon upang maiwasan ang anomang aberya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments