𝟭𝟯𝟲𝗞 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Timbog ang isang high-value individual sa isinagawang joint buy-bust operation ng awtoridad sa San Carlos City, Pangasinan.

Nasamsam sa babaeng suspek ang humigit kumulang nasa 20 gramong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 136,000.

Naaresto ang naturang indibidwal sa kaniyang tahanan sa pinagsanib pwersa ng Police Regional Office 1 at PDEA Region 1.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙁𝙈𝙋𝙤𝙡𝙞𝙘𝙚𝙍𝙚𝙥𝙤𝙧𝙩

Facebook Comments