𝟭𝟰𝟬 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗧𝗢

Nasa 140 senior high school students mula sa Mangaldan National High School ang pioneer graduates sa ginanap na libreng theoretical driving course mula sa Land Transportation Office Ilocos Region.

Sa inter-agency cooperation sa pagitan ng LTO at DepEd Pangasinan II Division Office, naging posible ang proyektong “Safe Roads, Bright Futures: A Partnership for Road Safety” laan para sa mga Grades 10-12 students sa ika-apat, lima at anim na distrito ng Pangasinan.

Sa pamamagitan ng naturang proyekto, magbibigay kontribusyon ito upang mas maging ligtas ang kakalsadahan para sa mga kabataan sa Pangasinan.

Nakatakdang magtungo ang LTO sa ilan pang pamantasan ngayong Mayo, kabilang dito ang Manaoag National High School sa May 17-18, San Jacinto National High School sa 24-25, at sa San Fabian National High School naman sa May 31 hanggang June 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments