𝟭𝟱𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟

Posible umanong masayang ang inilaan na 150 milyong pisong pondo para sa pagpapatayo ng Mother and Child Hospital sa lungsod ng Dagupan kung sakaling hindi ito pag-usapan sesyon ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon kay Councilor Michael Fernandez, noong nakaraang sesyon ay hiniling nilang pag-usapan Proposed Draft Resolution No – 6357 o ang pagpapatayo ng Mother and Child Hospital sa lungsod ngunit binalewala lamang umano ito ng mayorya.

Aniya, naghain na rin ang alkalde ng lungsod ng certificate of urgency na nagsasaad na maaari na itong pag-usapan upang maproseso ang pagpapatupad.

Dahil dito, posibleng masayang umano ang 150 milyong pondo o Trust Fund mula sa Department of Health sakaling hindi pa rin ito makapasa ngayong taon.

Ayon naman sa Legal Officer ng lungsod na si Atty. Aurora Valle, may iba naman umanong pamamaraan upang hindi masayang ang pondong inilaan ngunit mahabang proseso ang dadaanan.

Dagdag nito, maaring magsagawa ng ibang option ngunit ibabalik ang pondo sa ilalim ng General Appropriations Act ng DOH na posibleng umabot pa ng dalawang taon ang pagproproseso.

Ang pagpapatayo ng naturang ospital ay tugon umano sa krisis ng pangkalusugan lalong lalo sa mga nanay at mga bata |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments