𝟭𝟲𝟬 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗔𝗖𝗖𝗥𝗘𝗗𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗧

Umabot sa 160 na establisyimento o primary tourism enterprises(PTE) sa La Union ang natulungan maging accredited ng Department of Tourism Region 1.

Sa ilalim ng Mobile Accreditation Caravan ng ahensya nagtungo ang kanilang kawani sa mga mga distrito ng probinsiya upang mabigyan ng accreditation ang mga nabanggit na establisyimento.

Kabilang sa mga nabigyan ng accreditation ay ilang travel and tour agencies, transport sectors, frontliners at convention organizers sa lalawigan.

Naniniwala ang mga accredited establishments na sa pamamagitan ng pagkilala ng DOT ay mapapaangat pa ang tourism sector at standards ng La Union sa usaping turismo.

Layunin nito na siguruhin na ang bawat primary tourism ng LGU ay sumasailalim sa accreditation bilang pagsunod sa memorandum ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Mga motorista sa Dagupan City na may Lima o higit pang demerit points, sumailalim sa re-orientation course ng LTO

Sumailalim sa re-orientation course ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista sa Dagupan City na na may Lima o higit pang demerit points upang makapag renew ng lisensya.

Kinakailangang maipasa ang written exam ukol dito bago mabigyan ng Certificate of Completion.

Inilunsad ng ahensya ang naturang programa upang matulungan ang mga motoristang hindi makapag renew.

Nakasaad sa RA 10930 o ang Extension o Driver’s License Validity na nagtatakda ng mga kaukulang programa o kurso na kinakailangang matapos ng mga driver.

Maliban dito, bahagi ito ng Driving Enhancement Program ng LTO na naglalaman ng komprehensibong pagbabalik-aral sa kaalaman at kasanayan ng bawat driver sa traffic laws and regulations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments