
Cauayan City – Arestado ang isang 18-anyos na estudyante sa anti-illegal drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Marabulig 1, Cauayan City, Isabela kahapon, February 10, 2026.
Kinilala ang suspek bilang alyas “Dan” na residente ng nasabing lugar.
Siya ay nahuli matapos umanong magbenta ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana sa isang poseur buyer na may timbang na humigit-kumulang 5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P600.
Nasamsam din mula sa suspek ang karagdagang hinihinalang marijuana na may bigat na 10 gramo, buy-bust money, boodle money, at isang puting motorsiklo na walang plaka.
Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek sa Cauayan Component City Police Station para sa karagdagang impormasyon.
Ipinaalam din sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at Anti-Torture Act of 2009.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
SOURCE: PNP CAUAYAN
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










